Friday, January 11, 2008

Panata sa Gabi

May patlang sa pagitan ko at ang gabi
Naririnig ang uhaw na panaghoy sa dilim
Binabalutan ako ng dilim ng pangungulila
Nang lumisan siyang bitbit ang lahat ng gunita
Sana katabi ko pa rin ang aking pagsinta

Ganito pala ang mag-abang sa gabi
Hindi mo alam kung hanggang kailan
Alaalang magdudugtong sa iyong pangarap
Hindi mo alam kung saan magsisimula
Ang ningas ng huling liyab
Huling patak ng kandila
Huling pintig ng mapaglarong tadhana

Naamoy ko ang kahiwagaan ng langit
May mga bituing nakaamba sa dilim
Nawawalang-malay at bumabagsak sa lupa
Sanay masalo ko kahit isa man lang nito
Aking bibigkasin ang panata ko
Kami pag-isahin ng isang pagtatagpo
Na magkakandado sa pinaglayo naming puso

No comments: